Ang Liver ang ikalawang pinaka malaking organ sa ating katawan. Ang liver ang nagsasala or nag fifilter ng mga toxins na ating kinakain at iniinom. Sa sobrang daming fats na ating nakokonsumo mula sa araw-araw nating kinakain maaring mag build up ang fats sa atay at tayo’y magkaroon ng FATTY LIVER!
May dalawang uri ng fatty liver
1. Fatty liver na nagmumula sa sobrang pagkonsumo ng alak o ang tinatawag nating ALCOHOLIC FATTY LIVER.
2. Fatty liver na dulot ng sobrang pagkain natin ng instant foods, matataba o malalangis na pagkain at pagkonsumo ng sobrang sugary productsto ang tinatawag na NON ALCHOLIC FATTY LIVER.
Ang fatty liver kapag hindi naagapan at napabayaan ay maaring humantong sa Liver scarring or Liver Cirrhosis. Wag na nating hintayin pa na ating ang ATAY ay mag ba-bye.
Sa pagkain palang dapat tayo ay umalalay! At sa alak… hinay hinay!
Kaya mga friends, family and loved ones, ngayong Christmas season panatilihin nating Healthy ang ating Liver. Mag exercise at kumain ng masusustansyang pagkain.
Recent Comments